WebClick Tracer

SPORTS

Jaymark Balicha, Jesamae Licup mabilis sa 200-meter

Dinaig nina Army cadets Jaymark Balicha at Jesamae Licup ang mga karibal sa magkaibang diskarte upang pamayagpagan ang men’s at women’s 200-meter dash, sa siklab ng 1st Philippine Reserve Officer Training Corps Games (PRG) Luzon leg Lunes sa Cavite State University track oval sa Indang, Cavite.

Isang IT student sa Don Mariano Marcos State University sa San Fernando, La Union, humulagpos si Balicha sa last 10 meters para ungusan si teammate Richard Caralipio sa oras na 23.46 segundo laban sa 23.50 ng huli sa palaro ng Department of National Defense at ng Commission on Higher Education.

Kabaligtaran, dinomina ni Licup ng University of Baguio ang distaff side sa 26.7 clockings, sinalya sa 2-3 sina Occidental State College’s Wendimae Rada (29.6) at Katherine Sario (30.1) sa paligsahang pinapadrinuhan ng Philippine Sports Commission at ng isang senador.

Sa Navy cadets, wagi rin sina John Andre Ponce ng University of Cagayan Valley (23.8) at Northwestern University’s Faye Jemima Domingo (29.9) sa kani-kanilang karera (200m din) upang umabante sa PRG National Finals bago matapos ang taon.

“Hindi ko ini-expect na manalo kasi pressure sa schoolwork. Buti na lang na yung hard work ko paid off,” litanya ni Balicha, na sumegunda kay Caralipio sa heat.

Isang BS Criminology freshman student, pinahayag naman ni Licup na gulantang siya sa kanyang tagumpay, lalo’t huling minuto lang pinasabak sa event dahil sa paglahok sa isang Philippine Athletics Track and Field Association relays sa Manila noong isang linggo.

“Last-minute decision ko sumali kasi sabi ng superior namin sa school na sumali ako. Sayang naman daw ang chance kasi hindi ko pa na-fulfill ang registration requirements. Buti na lang nakumpleto ko at nakasali, sey niya.”

(Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on