Nanawagan ang ilang grupo sa Kongreso na makialam na para sa kapakanan ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Nangangamba umano ang sektor dahil sa nakatakdang pag-recess sa sesyon ng Kongreso dahil baka bulagain sila ng executive order na ibababa ang taripa ng imported na bigas.
Giit nila na mga mayayaman lamang ang makikinabang kapag ibinaba ang taripa sa bigas dahil 85% ng inaangkat ay premium at hindi well-milled rice o regular milled rice na siyang binibili ng mga ordinaryong mamamayan.
Nitong Lunes, Setyembre 18, ay isang kilos protesta ang isinagawa sa harap ng tanggapan ng Department of Finance sa Maynila ng mga magsasaka at mangingisda laban sa plano umanong zero tariff sa mga imported na bigas.
(Eileen Mencias)