Maraming pa-savage ang nag-react tungkol sa bagong online travel series ni Liza Soberano na may titulong “Liza in Korea” na mapapanood sa kanyang vlog.
In-expect kasi nila na may mas bonggang sorpresa ang kanyang manager na si James Reid nang sabihin nitong marami siyang plano para sa kanyang alaga.
Katunayan, sinabi pa ng Careless executive sa isang panayam na may something very especial daw na inihahanda si Liza para sa kanyang mga fan.
Akala ng iba, baka may bagong acting offers ang kanilang idolo sa Hollywood maliban sa independent horror movie na nagawa nito.
Pero nabantilawan ang excitement ng ilan dahil pinangangatawanan na ni Liza ang kanyang pagiging K pop fanatic.
Sa paglabas ng initial episode ng kanyang vlog, bagamat marami ang napahanga ng aktres sa pagiging magaling na host ay marami rin naman ang nagdabog ang bangs dahil umano sa colonial mentality nito.
May mga humirit pa na kinukumpetensiya raw nito si Julia Barretto na meron ding travel vlog.
May mga nagmamahadera pang nagsabing dapat daw ay inuna nitong i-promote ang Pinas bago ang ibang bansa kung magvlo-vlog din daw ito.
Ito ang ilan sa mga komento ng kibitzers.
“Kaloka, something big pero ang ending naging vlogger. Juiceko eh mas toxic ang SKor showbiz kesa sa PH.”
“Ano namang masama sa pagiging vlogger? At least bagong challenge ito sa kanya para maipakita niya ang kanyang talent sa hosting.”
“In fairness, fluent siya sa pagho-host. Di nagbu-buckle.”
“Na-downgrade. Naging ka level ni Kristel.”
“From ABS-CBN A-Lister to Korean content vlogger. A good career move? Anyare sa Hollywood?”
“Kinumpetensiya pa niya ang Juju on the Go ni Julia.”
“Dapat inuna muna niyang i-promote ang Pinas kesa sa Korea.”
“Whatever happened sa tsika na may movie sila ng Thai actor na si Bright. Walang nangyari, I guess. Naligwak siya ni Janella.”
“Nasingitan siya ni Jea kay Bright.”