Nagpasya ang Commission on Elections (Comelec) na ituloy ang halalang barangay at Sangguniang Kabataan sa Negros Oriental sa Oktubre 30, 2023 subalit ilalagay sa kanilang kontrol ang buong lalawigan.
“Ang en banc ay nagdesisyon unanimously, tuloy ang eleksyon sa Oct 30, pero ilalagay namin sa Comelec control ang buong probinsya,” pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang press conference nitong Lunes, Setyembre 18.
Nilinaw din ni Garcia na maglalabas ang komisyon ng standard o guidelines sa pagdedeklara ng Comelec control sa Negros Oriental.
“Pero sisiguraduhin po natin, when you say Comelec control ang ibig sabihin lang po regular ang social services, serbisyo ng local government, ng national, walang magbabago ang sinasabi lang natin in the final analysis and the final say belongs to the Comelec,” ayon pa kay Garcia.