WebClick Tracer

NEWS

QC mayor dinikdik mga bumbero sa maraming sablay

Nanawagan ang pamahalaang lokal ng Quezon City na magkaroon ng reporma sa tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang lungsod kasama na ang pagsibak sa dalawang opisyal nito dahil sa umano’y mga sablay sa trabaho ng ahensiya.

Sa isang pahayag, ibinunyag ni Mayor Joy Belmonte ang mga nadiskubre sa isinagawang imbestigasyon ng pamahalaang lokal kung saan nalaman na naging maluwag ang BFP sa inspeksyon, maraming backlog sa pagsusuri sa mga negosyo at iba pang sablay sa pagtupad ng kanilang mandato.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang pamahalaang lungsod sa performance ng BFP matapos ang insidente ng sunog sa Tandang Sora kung saan 15 katao ang nasawi noong Agosto 31, 2023.

Lumalabas umano sa pagsisiyasat sa datos ng BFP na mula Enero hanggang Agosto 2023 pa lamang ay nagkaroon na ng 153 sunog sa Quezon City samantalang 219 sunog lamang sa kabuuan ang naganap sa lungsod mula Enero hanggang Disyembre 2022.

“With a third of the year left, there have already been 8 firefighters and 63 civilians injured compared to only 2 firefighters and 60 civilians for the entirety of last year,” ayon sa pahayag ng pamahalaang lokal.

Iginiit ni Belmonte na sibakin at palitan na sa puwesto sina Fire Marshal Senior Supt. Aristotle Bañaga at Fire Prevention Branch chief Fire Chief Inspector Dominic Salvacion.

(Riz Dominguez/Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on