WebClick Tracer

NEWS

SC inutos random mandatory drug testing sa hudikatura

Inanunsyo ng Supreme Court (SC) ang bago nitong mga panuntunan upang masiguro na ligtas sa ilegal na droga ang lahat ng sangay ng hudikatura sa buong bansa.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Setyembre 18, inilabas ng SC ang mga panuntunan para sa implementasyon ng random mandatory drug testing sa mga empleyado ng hudikatura.

Alinsunod sa polisiya, kailangan din ang drug testing bilang pre-employment requirement sa mga nais magtrabaho sa husgado. Obligado rin ang lahat ng kawani ng hudikatura sa random mandatory drug testing.

Babala ng SC na ang mga empleyadong magpopositibo sa droga ay maaaring patawan ng suspensiyon o tanggalin sa trabaho, alinsunod sa Civil Service Law at sa inamyendahang Rules of Court.

Sakop ng polisiya ang mga opisyal at kawani na nagtatrabaho sa SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at mga hukuman na nasa ilalim ng superbisyon ng Office of the Court Administrator.

Isinama rin ng SC sa bagong polisiya ang mga nagtatrabaho sa Judicial and Bar Council, Judicial Integrity Board, Philippine Judicial Academy, Office of the Judiciary Marshals, Mandatory Continuing Legal Office, at iba pang tanggapan na nasa superbisyon ng SC.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on