WebClick Tracer

METRO

10 parcel ng droga nasilat

Nasa sampung abandonadong parcel na naglalaman ng iligal na droga mula sa iba’t ibang bansa ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road, Pasay City sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nabatid na ang limang parcel ay naglalaman ng halos 544ml liquid marijuana na aabot sa P32,640.00 ang street value. Habang ang lima pang abandonadong parcel ay naglalaman naman ng 8,446 pirasong ecstasy tablets at 924 grams ng raw materials na may street value na P14,358,200.00.

Ang parcel ng liquid marijuana ay nagmula sa mga bansang Taipei ,Taiwan, Ireland, at Malaysia na naka-consign naman sa mga taong nakatira sa mga lalawigan ng Dumaguete, Talisay City, Zamboanga City, Misamis Oriental, at Loyola Heights, QC. Ang limang parcel naman ng ecstasy tablets ay mula sa France, Amsterdam, at Netherlands.

Naka-consign naman ito sa magkaibang individuals mula Caloocan City at Molino 6 Bacoor, Cavite. (Otto Osorio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on