WebClick Tracer

SPORTS

Asian Games-bound Gilas ‘Pinas lumiit sa pagkabalasa  

Nagkakalituhan kung sino ang nagsumite ng pangalawang listahan ng posibleng bumuo sa Gilas Pilipinas na isasabak sa Hangzhou Asian Games bago matapos ang buwan.

Unang sinabi na 60 ang pangalan sa first list, may isa pa palang listahan na naglalaman ng 37 na lang.

At wala ang mga pangalan nina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Mo Tautuaa at Jason Perkins sa parehong listahan. Suma-total, scratch ang apat.

Silang apat, kabilang si Stanley Pringle bilang alternate, ang orihinal na idinagdag ni coach Tim Cone sa mga naiwan mula sa FIBA World Cup team na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, RR Pogoy, sina Chris Newsome at Calvin Oftana, at naturalized players Justin Brownlee at Ange Kouame.

“The bad news is, Roger (Pogoy) had to withdraw from the national team because of health issues,” balita ni Cone sa biglaang ipinatawag na press conference sa PBA office Martes ng hapon.

Agad tinawagan ni team manager Alfrancis Chua si Marcio Lassiter para ipalit sa slot ni Pogoy.

Dahil hindi puwede na sa 60, nangahoy na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangalawang listahan na naglalaman ng 37 pangalan.

“Pero sa 37, anim lang ang available na puwede namin kuhanin,” paliwanag ni Chua. “Si Mo na 6-foot-9, si Chris Ross ang kapalit. Si Calvin, kapalit si CJ Perez. Perkins, magiging kapalit si Kevin Alas. Si Romeo, si Arvin Tolentino. Bigla tayo lumiit.”

Ang mga nasa 37, kundi injured ay nasa Japan at Korea. Out na sa Gilas ang iba tulad ni Carl Tamayo, at retired si Christian Standhardinger na nasama pa.

Ang tanong ay kung sino ang nagsumite ng 37 na sumapaw sa naunang 60 na pangalan. Lumalabas na ang ikalawang listahan (37) ang inaprubahan ng Hangzhou organizing committee. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on