Binabalak ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na maghain ng panukalang batas upang rendahan ang Facebook at iba pang social media site na hindi makakasunod sa community standards ng gobyerno.
Binanggit ito ni Dela Rosa nang humarap ang mga opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Senate committee on finance (Subcommittee ‘K’) upang ipagtanggol ang kanilang panukalang budget sa 2024.
Tinanong ng senador ang DICT kung kaya nilang rendahan ang Facebook sa Pilipinas at sila ang pasunurin sa standards ng gobyerno kaysa ang mga Pinoy ang susunod sa kanila.
“‘Yung kanilang standards na sinusunod ay iba. Unlike kung ang gobyerno ang mag-impose ng standards natin and we have to control them, kaya ba natin silang kontrolin?” tanong ni Dela Rosa.
“Kagaya ng China, wala kang makitang Facebook doon dahil bina-block nila, kaya bang gawin ‘yan dito sa Pilipinas?” dugtong ng senador.
Sagot naman ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, kaya itong gawin sa Pilipinas pero kaila¬ngan magpasa muna ng batas ang Kongreso.
“Technologically, kaya natin sir. We need an enabling law,” pagtiyak ni Dy.
“Dito sa Senado gagawa kami ng batas. We will provide you with the policy instrument,” pagtiyak ni Dela Rosa.