WebClick Tracer

NEWS

BBM hinamon mga heneral ng PNP

Hinamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong Police General na maging alagad ng positibong pagbabago.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa oath taking ng 57 bagong promote na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang nitong Martes nang hapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na inaasahan ng mga Pilipino ang isang police force na may kakayahan, professional at tumutugon sa pangangailangan ng komunidad na kanilang pinagsisilbihan.

“As you embark on your new roles in the PNP, I challenge you to be agents of positive change, the change that we want to establish in our country,” anang Pa¬ngulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga aksiyon na nagdudulot ng batik sa reputasyon ng mga pulis at nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ng mamamayan.

Hindi aniya kukunsintihin ang mga opisyal na mang-aabuso sa kanilang kapangyarihan at posis¬yon.

“Mark my words, there will be no room for leniency for those who engage in acts that tarnish the reputation of our police and jeopardize the safety of our people,” diin ng Pa¬ngulo.

Batid ng Presidente na hindi madali ang trabaho ng mga pulis kaya bilang mga lider dapat aniyang taglayin ng mga ito ang pinakamataas na pamantayan ng pagi¬ging mabuting alagad ng batas. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on