Naglabas ang bagong guidelines o alituntunin ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa pagpaparehistro ng Subscriber Identification Module (SIM) cards.
Sa pagdinig ng Senate committee on public services sa panukalang 2024 budget ng DICT, sinabi ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez na nag-isyu na sila ng memorandum order noong Lunes kung saan kailangan nang mag-live selfie photo sa pagpapare¬histro ng SIM card.
“We issued an MO yesterday, so it’s effective immediately,” pahayag ni Lopez sa komite. Ang NTC ay attached agency ng DICT.
Sa bagong alituntunin, titiyakin nito na ang mga nagparehistro ay pawang mga lehitimong user.
“They (telecommunications companies) will install technologies that will ensure na wala na pong monkey po na makaka-register katulad po ng live selfies. We require live selfies,” ani Lopez.
“Hindi na rin po i-allow ‘yung stock photos to be uploaded as selfie, mga ganung bagay po,” dagdag pa ng NTC commissioner. (Dindo Matining)