Plano ng gobyerno na umutang ng P2.46 tril¬yon upang mapunan ang kakulangan sa P5.768 trilyon na plano nitong gastusin sa 2024.
Sa deliberasyon ng budget sa plenaryo nitong Martes, nagtanong si Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr. kaugnay ng kikitain at uuta-ngin ng gobyerno sa susunod na taon.
Sinabi ni House Committee on Appropriations senior Vice chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na uutang ang gobyerno ng P2.46 trilyon at ang nalalabi sa P5.768 tril¬yong panukalang budget ay kukunin sa koleksiyon ng buwis at iba pang kita ng gobyerno.
Ang uutangin ay 43.32% umano ng kabuuang panukalang pondo, ayon kay Quimbo.
Sumunod na tanong ni Bordado kung ano ang debt to gross domestic product (GDP) ratio ng bansa na sinagot ni Quim¬bo ng 61%.
Sinabi ni Quimbo na ang kasalukuyang international standard ay 70%.
Sinabi rin ng lady solon na ang debt to GDP growth ng Malaysia ay 70%, ang Japan ay 261%, ang Singapore ay 134% at ang China ay 77%.
(Billy Begas/Eralyn Prado)