Plantsado na ang one-year deal, pirma na lang ang kulang at mapupunta na sa Philadelphia 76ers si free agent guard/forward Kelly Oubre Jr., ayon sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.
Pinaghahandaan na kaya ng Sixers ang posibleng pagkawala ni James Harden?
Puwede sa wing si Oubre, pero mas epektibo siya kung nasa kamay ang bola bilang secondary creator.
Unang tatlong taon ni Oubre sa NBA ay nasa Washington Wizards hanggang 2018. Nakadalawang taon din siya sa Phoenix Suns bago napunta sa Golden State noong 2020-21.
Pagkalas niya sa Warriors, napadpad naman ang 27-year-old sa Charlotte hanggang nitong 2023.
Sa Hornets, nag-average siya ng 20.3 points pero naka-48 games lang siya matapos sumailalim sa surgery sa kamay bago bumalik pagkatapos ng All-Star break.
Nawala na sa Philly sina Georges Niang, Jalen McDaniels at Shake Milton, posibleng madagdagan ang minuto ni Oubre off the bench. (Vladi Eduarte)