Inirerespeto ng Kamara de Representantes ang demokrasya at ang karapatan ng bawat indibidwal na kuwestyunin ang legalidad ng batas na naipasa ng Kongreso.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang pahayag bilang tugon sa petisyong inihain sa Korte Suprema upang kuwestyunin ang legalidad ng Maharlika Investment Fund Act (RA 11954).
“We respect the democratic process and the right of every individual to seek legal redress. The House of Representatives, under my leadership, has always prioritized the observance of legislative procedures and adherence to the Constitution,” sabi ni Romualdez.
Binanggit ni Romualdez na ipinasa ang MIF law na ang intensiyon ay paunlarin ang ekonomiya, tugunan ang kahirapan sa bansa, at lumikha ng mapapasukang trabaho ang mga Pilipino.
“The certification of the bill as urgent was determined with this vision in mind,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (Billy Begas)