WebClick Tracer

NEWS

Sara tiniyak proteksiyon ng mga guro sa BSKE

Upang tiyakin ang proteksiyon ng mga guro na magsisilbi sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), pinanggunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte kasama sina Commission on Elections (Comelec) chair George Erwin Garcia at Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta ang pag¬lagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Palacio del Governor sa Intramuros, Maynila noong Lunes.

Layunin ng MOA na magkaroon ng sistema para mapangalagaan ang kapakanan ng mga gurong magsisilbi sa BSKE sa Oktubre.

“Hindi po mangyayari ang isang eleksiyon kung walang mga guro.” ayon kay Duterte.

Aniya, bilang kalihim ng Edukasyon, nais niyang masiguro na mabibigyan ng angkop na proteksiyon at suporta ang mga guro na nagsasakripisyo para maisagawa ng matagumpay ang halalan sa bansa.

Giit ni VP Sara, nagsisilbi ang mga guro sa eleksiyon sa kabila ng mga panganib na hinaharap nila. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on