Matagal-tagal na rin nating hindi natanong si Seth Fedelin kung kumusta na ba sila ni Andrea Brillantes.
Ano ang komento niya sa nangyaring break-up ng ex kay Ricci Rivero?
“Nagkakausap lang kami kapag nakakasalubong ko siya sa ABS-CBN,” pakli niya.
Tianong namin si Seth kung anong pakiramdam niya sa pinagdaanan ni Andrea kay Rivero?
“Hindi ko naman alam ang buong kuwento, hindi ako magsasalita nang patapos, pero ang payo ko lang kay Andrea na sana makita niya talaga ‘yung tamang lalaking magpapasaya sa kanya”
Nalungkot ba siya na hindi nagtagal sina Ricci at Blythe?
“Hindi ako nalungkot pero…(natahimik panandali si Seth) Paano ko ba sasabihin ito? Siguro sumagi lang sa isip ko lalo na at nakita ko sa social media ‘yung nangyari, sumagi lang sa isip ko na ano kaya talaga ‘yung nangyari.”
Hindi ba niya naisip na i -message si Andrea para i-comfort bilang dating kaibigan?
“Para sa akin kasi, rule ko kasi yun eh, may rule ako sa sarili ko bilang lalaki, na hindi ko kinakain ‘yung salita ko. Hindi ko siya minessage pero yung one time na nagkasalubong kami sa premiere night ng “Unbreak My Heart” nagbatian kami . Kasama niya si Kyle (Echarri) at sinabi ko sa kanya na kumusta ka na? Sana okay ka lang. Kapag nagkakasalubong naman kami sa ABS-CBN, Gold Squad pa rin naman kami.”
Ano ang komento niya na nagsama sina Kyle at Andrea sa ‘Senior High”
“Opo, natutuwa naman ako at support ako sa KyleDrea loveteam. Sila naman talaga ang una bago nagka -SethDrea,. Happy ako na sila ang nagka-pair kaysa iba ang naka-partner ni Kyle . Mas better na sila na lang dalawa,” bulalas niya. (Allan Sancon)