Pareho pa rin daw ang stand ni Sharon Cuneta na willing siyang lumabas sa ibang network. Puwede niyang ibigay ang kanyang serbisyo.
Nabanggit ito ni Sharon bago pa siya mag- FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa mediacon ng ‘Dear Heart, The Concert,’ muli itong naitanong kung puwede ba siyang magtrabaho sa labas ng ABS-CBN.
“Yes, it stands,” mabilis niyang sagot.
Pero, may ni-reveal ito na may gagawing teleserye by 2024 sa Kapamilya network pa rin.
“I’m a Kapamilya at heart and I’m set to do a teleserye next year for them. Around May.”
At mukhang excited si Sharon sa kung sino ang makakasama niyang co-star. Hindi pa niya binanggit ang pangalan kung sino man ito. Pero, marami agad ang nanghula at halos iisa ang nasa utak ng lahat, si Julia Montes.
Ang dahilan, sa pahiwatig ni Sharon na matutuwa ang karamihan at para na niya itong anak.
Sabi niya kasi, “I can’t announce pa with whom, but you’ll be happy. She’s like my daughter.”
‘Yun nga lang, inaayos pa rin daw ang lahat tungkol sa gagawin niyang teleserye.
“Nancy needs to negotiate with them, first and if everything turns out okay, then, that will push through. But I’m open to any. Basta tama. Tama ‘yung offer. ‘Wag naman ‘yong mas mura pa sa t.f. ko sa T.S.C.S. (The Sharon Cuneta Show), ‘wag naman, ‘yung tama, ‘yung fair lang.”
Sa ngayon, inaabangan na ang October 27 para sa ‘Dear Heart, The Concert ‘ nila ni Gabby Concepcion. Gaganapin ito sa SM MOA Arena.(Rose Garcia)