Ibang klase ang lakas ng sex appeal ng sexy actress na si Sheila Snow.
Sa boobey pa lang niya na mala-melon tingnan, tutulo na ang laway ng maraming barako. Hindi naman kataka-taka na maging pansinin ang dibdib ng Vivamax aktres dahil 36-24-34 ang kanyang vital statistics.
Kaabang-abang ang mga bed scene ni Sheila sa bago niyang pelikula . Base sa caption sa kanyang IG, tiniyak niyang ibang klaseng bulaklak ang makikita sa kanya rito: Mapapapikit ka sa halimuyak ng aking bulaklak 🌸 Ligaw Na Bulaklak…”
Ayon kay Sheila, dream come true na makatrabaho niya rito si Arron Villafor at aminado ang dalaga na matitinding lampungan ang ginawa nila ng aktor.
“Si Arron ang isa sa dream kong maka-partner, kasi mukha siyang mabait at noong first day pa lang ng shooting, iyon nga, parang matagal na kaming magkakilala talaga.”
Nabanggit din ni Sheila na nahirapan siya sa iba’t ibang sexual position na ginawa nila ni Arron.
Aniya, “Iyong mga sex scene namin ni Arron, mahirap, kasi walang cut po iyon. Tuloy-tuloy ang movement, iyong flow… at kailangang maging flexible. So, hindi kami humihiwalay ni Arron, tuloy-tuloy lang talaga iyong ginagawa namin.
“Iyong wheelbarrow na sexual position na ginawa namin, sobrang hirap po niyon, buti na lang ay nagwo-work-out ako, so kinaya ko. Pero pawis na pawis na po ako sa eksenang iyon, buti na lang ay hindi halata,” natatawang wika pa ni Sheila.
Mula sa pamamahala ni Jeffrey Hidalgo, tampok sa ‘Ligaw na Bulaklak’ sina Chloe Jenna, Jeric Raval, Sheree, at iba pa. (Nonie Nicasio)