Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa Brgy. Anagasi, Paranas, Samar.
Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril noon pang September 16, subalit hindi na ni-report ng pamilya.
Ang pinangyarihan ng krimen ay nasa 30 kilometro ang layo mula sa población.
Kinilala ang biktimang si Barangay Chair Tito Llamado, 59, kapitan at reelectionist ng Barangay Anagas.
Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang asawa papuntang bukid nang abangan ng hindi nakilalang armadong lalaki at pinagbabaril ang biktima na agad nasawi.
Sa takot ng pamilya, hindi na dinala sa ospital ang bangkay ng biktima para sa post mortem examination.
Nang marating ng mga imbestigador ang lugar, narekober ang mga basyo ng baril at isang sulat galing umano sa nagpakilalang tagapagsalita ng rebeldeng New People’s Army. (Ronilo Dagos)