WebClick Tracer

NEWS

Diokno tagilid kay PBBM, Recto matunog na kapalit

Umugong ang usap-usapan na posibleng sipain umano sa kanyang puwesto si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno at papalitan ni Batangas Rep. Ralph Recto.

Base sa eksklusibong ulat ng online news Bilyonaryo.com, ikinokonsidera umano si Diokno bilang president at chief executive officer ng Maharlika Investment Corporation.

Hindi na bago ang tsismis ng pagsibak kay Diokno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Noong nakaraang taon, lumutang din ang mga espekulasyon tungkol sa posibleng pagbibitiw ni Diokno sa kanyang puwesto bilang finance chief matapos umani ng mga kritisismo sa kanyang paghawak sa halaga ng peso at inflation.

Ngayon naman ay nagulat na lamang umano si Diokno matapos ang anunsyo ng Malacañang tungkol sa pagpapatupad ng price cap sa regular-milled at well-milled rice. Matatandaang sinabi ni Diokno na wala siyang alam tungkol sa desisyon ni Pangulong Marcos na maglabas ng executive order para sa price cap ng bigas.

Naging kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) si Diokno sa administrasyon ng dating pangulong Joseph “Erap” Estrada. Itinalaga naman siya bilang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa source, una nang hiniling umano ni Diokno na ibalik na lamang siya sa dati niyang puwesto bilang BSP governor subalit mas pinili ni Pangulong Marcos na italaga sa naturang posisyon si Eli Remolona Jr.

Sa ngayon, tinitingnan umano ni Diokno na pamunuan ang Maharlika Investment Corporation lalo pa’t malaki ang makukuha nitong compensation package sa bagong ahensiya kumpara sa kinikita niya bilang BSP governor.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on