Lakas namang maka-alta ni Belle Mariano dahil nanood pala siya ng F1 car race sa Singapore.
Kumbaga, join siya sa mga Pinoy celebrities tulad nina BBM, Korina Sanchez, Macoy Dubs, mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero at iba pa para manood ng nasabing motor racing event.
Sa kanya namang Instagram, very proud niyang ibinahagi ang kanyang kauna-unahang Formula One World championship experience.
Nag-cheer ang actress para sa Team Ferrari.
Post ni Belle sa kanyang IG: “ “What an experience, F1!”
May isa namang IG user na may handle na Kerwin King ang nagkomento kay Belle nang : “ILYYYY!!! 🫶🏻🫶🏻 so happy for you!!! See you next time! ❤️❤️”
Hindi naman maiwasang mabatikos ito ng DonBelle fans.
May napa-eww sa kanyang komento.
Ipinagtanggol naman ng ilang open-minded faney ang nasabing male follower ni Belle.
Anila, kaibigan daw ni Belle ang nasabing guy at protective lang.
Pagtatanggol pa ng iba, hindi raw dapat binibigyan ng malisya ang pag- I love you nito sa kapareha ni Donny.
May ilan pang kafaneyan na nag-cheer para kay Belle dahil para sa kanila ay lucky charm ito ng Spanish racer kaya nanalo ang huli.
May kibitzers namang nagsabing iniwan ni Belle si Donny dahil nag-solo flight ito sa Singapore.
May mga nagtatampo pang delulu fans na kesyo matagal na nilang hindi nakaka-meet nang personal na magkasama ang magka-love team.
May nagtanggol naman sa aktres na kesyo naroon ito dahil sponsor ang kanyang trip ng isang women’s clothing line.