WebClick Tracer

LIFESTYLE

Remedyo Ni Lola

Anumang problema ay palaging may remedyo si lola. Ang tanong na lang ay kung tama ba ito o nakasanayan lamangngunit wala naman talagang bisa o saysay.

Kamakailan, ang ating reader ay nagpunta sa isang handaan at medyo napadaming kain dahil sa masarap ang hinain. Mukhang sobrang nabusogat sa pag uwi, makalipas ang dalawang oras ay tila nanghina nalang sya, nanlambot na parang nawalan ng wishu, at bagoumabot sa pintuan ng bahay ay nailabas ang halos lahat ng kinain dahil sa isinuka nya ito. Sinalubong sya sa pintuan ng kaniyang lola at ang agad na ibinigay ay isang kutsarang asukalat tubig sa pinakuluang luya. Guminhawa naman pagkataposang pakiradam, ngunit ang tanong lang ay “tama ba ito dahil sanakabuti ng kalagayan o panandalian lamang at magkakakumplikasyon pa ang kundisyon?”.

Sa dinamidami ng nangyari sa ating reader, ay isa isahin natinang mga ito. Sa umpisa ay wala naman pumipigil sa atinkumain, lalo na sa isang handaan. Kaya hinay hinay lamangnang matunaw ng maayos ang pagkain. Sa pagmamadali, maaaring maimpatso at maging dahilan na sumakit pa ang tiyan. Kung sobra sobra ang nakain, may hangganan lamang ang linalaman ng ating tiyan, pwedeng ilabas niyang kusa dahil hindina nito kaya. Naandoon din ang kung sakaling may problema sanakain, may parasitiko, o napanis na at nagkaroon ng bakterya, oang mismong naghahain ay hindi malinis at hindi naghugas ng kamay, maaaring ma food poison. Dahil sa halos dalawang orasnang magkaroon ng sintomas, mas malaki ang pagkakataon na sa handaan nga ang problema. Hindi lang sa pagkain, pati na dinsa tubig na nainom. Ang mga naramdaman ay kaakibat ng sakitsa tiyan at sikmura na tinatawag na gastritis. Ang kumplikasyonnito ay sa pagprotekta ng ating katawan ay ilalabas nito anglaman ng tiyan sa pamamagitan ng pagsuka. Kung tumagal ng kaunti at may nakaabot na sa bituka, maaari ding magtae, o loose bowel movement o LBM, ang tawag na dito ay gastroenteritis.

Alinman sa dalawa ang mangyari, mawawalan o mababawasanng tubig ang katawan, pati ng electrolytes, kaya manghihina ang katawan. Ang solusyon dito ay volume per volume replacement ng oral rehydration solution o ORESOL. Ang laman nito ay tubig, asukal at asin. Maaaring powder form o tableta natinutunaw sa tubig. Pwede din naman na gumawa lang sa bahay. Sa isang litro ng tubig na malinis ay ihalo ang 3 kutsara ng asukal at 1 kutsarita ng asin. Kaya guminhawa sa binigay ni loladahil ito din naman ang linalaman ng ORESOL. Yun lang, hindina kailangan paghiwalayin pa, mas magandang ihalo nalangpara mainom ng maayos. Hindi kinakailangan lagukin, sapatnang dahan dahan lamang, basta maubos ang na estimate na nailabas, mapasuka man o LBM. Kung may LBM, agad agarangpwedeng uminom na ng ORESOL. Ngunit kung nagsuka, magantay ng 30 minuto bago bigyan ng maiinom at huwagbiglain. Ito ay para maiwasan magsuka ulit dahil sa iritasyon ng esophagus at lalamunan dahil sa pagsuka. Nadaanan ito ng mgalaman galing sa tiyan, kasama na din ang mga asido ng tiyan, kaya medyo may pamamaga ito.

Masarap makipagsalosalo, lalo na kasama ang pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay. Hinay hinay lang ang pagkainat inom ng masaya ang alaala ng okasyon.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwinghuwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggong 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on