Kabaligtaran ng “makinig ka sa magulang mo,” ang actress na si Maricel Laxa ay nakinig daw sa mga anak niya. Kaya siya nagbalik muli sa pag-arte at sa pelikula.
First time na magkasama nina Maricel at ang anak na si Donny Pangilinan sa isang proyekto.
“I think, this is the product of obeying your children,” natawang sabi niya.
“Kasi, sila naman ang nagpilit sa akin na bumalik sa pelikula.
“Akala ko wala na sa sistema ko ang showbiz. Pero, once an actor will always be an actor. And yes, it was very special in my heart, so, here I am,” all-smile niyang sabi.
Okay naman daw ang naging working relationship nila na gumaganap din na anak niya sa GG movie. Si Hannah Pangilinan naman ay isa sa creative ng movie.
Sabi pa ni Maricel na natatawa, “Well, as long as sumusunod ako sa kanila, walang problema. Ibig sabihin kasi, maayos ko naman siguro silang pinalaki. Now, they’re experts in their field, so, respeto na lang ang binibigay ko.”
Umapela naman si Donny sa sinabi ng mommy niya sa kanya. Sey nito, “Grabe naman ‘yung expert, baka ikaw ‘yon, Mom.”
Para raw kay Donny, katuparan ng pangarap niya ang movie nila na GG.
“Sobrang dream come true ito para sa akin. Ever since na pumasok ako sa showbiz, isa sa pangarap ko talaga ay to have a project with my mom.
“When I got the script, I was given the idea of portraying a mother and a son in this way, in this manner. Parang naging isang karangalan na makasama ko ang isang Maricel Laxa. ‘Yun lang ang masasabi ko, as the years goes by, it will probably be a movie that we’ll be proud that we did it.”
Ang GG (Good Game) ay isang barkada esport movie. At dahil madalas na misunderstood ang mga gamers sa Filipino culture, dito raw nila gustong ipakita ang good side nito. Tampok din dito ang original FPS game called ‘Requiem’, modelled after a neo-Manila far in the future.
Produced by Mediaworks Inc., Cignal Entertainment at Create Cinema. Wish din nila na magkaroon ito ng cinema release.
(Rose Garcia)