WebClick Tracer

SPORTS

Clo Mondoñedo, St. Benilde pinag-empake Lady Warriors

Mga laro sa Linggo

(Paco Arena-Manila)

2 pm – FEU vs UPHSD (W)

4 pm – DLSU vs ADMU (M)

Swak sa championship round ang College of Saint Benilde nang angklahan ni skipper Cloanne ‘Clo’ Mondoñedo sa pagsibak sa University of the East, 25-21, 25-13, 25-10, sa 2nd V-League Women’s Collegiate Challenge Biyernes ng hapon sa Paco Arena sa Manila.

Kumana siya ng all-around performance sa likod ng 15 excellent sets kasama ang tatlong puntos upang walisin ng NCAA back-to-back champion Lady Blazers ang Lady Warriors sa best-of-three semifinals Game 2 sa paliga ng Sports Vision.

“Naging relaxed sila this time, probably because lagi nilang nakakasama ang UE,” suma ni CSB coach Jerry Yee na tinagpas ng mga bataan ang UE sa Game 1 via straight set din.

Abangers ang Taft-based squad sa top seed Far Eastern University at No. 4 University of Perpetual Help System DALTA na magtutuos sa winner-take-all Game 3.

Humirit ang Lady Tamaraws sa Lady Altas, 23-25, 25-23, 25-17, 25-13, sa opening game ng torneo na mga hatid ng Bola.TV, Beyond Active Wear at Mikasa.

Naging tinik ng mga balibolista ng Las Piñas si Chenie Tagaod na sumuwag ng 25 points sa petmalung salang para sa kampo ng mga taga-Recto.

(Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on