HANGZHOU, Zhejiyang — Nakataang sa balikat ng 10 atleta sa paggiya ni 2021 Tokyo Olympian shooter Jayson Valdez na wakasan ang tagtuyot sa gintong medalya ng bansa sa 65 taon sa magbubukas ngayon (Sabado) na 19th Asian Games 2022 dito sa China.
Kasama niyang makikipagbarilan para sa misyon ng mga bata ni Philippine National Shooting Association president Faustino Michael Carlos Dy III, sina 2012 London Olympian Paul Brian Rosario at 2008 Beijing Olympian Eric Ang; Veteran internationalists Carlos Carag, Amparo Teresa ‘Ampao’ Acuna, Franchette Shayne Quiroz, Elvie Baldivino, 2018 Jakarta-Palembang Asian Gamers Hagen Alexander Topacio at Joaquin Miguel Ancheta, at rookie Enrique Leandro Enriquez.
Mga pinapadrinuhan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee, kasado sina Valdez, 28, Acuna, 26, Quiroz, 26, at Baldivino sa rifle; sina Ang, 52, Carag, 60, at Topacio, 34 sa trap; sina Rosario, 41, Ancheta. 43, at Enriquez, 31, sa skeet.
Huling naka-gold sa ‘Pinas si Adoldo Feliciano noong 1958 Tokyo Games sa me’s 300-meter rifle position, samantalang last medal ang 2-bronze sa 2002 Busan ni Jethro Dionision sa men’s trap individual at sa inangklahan niyang men’s team trap kasama sina Ang at Jaime Recio.
Kumpiyansa si PNSA secretary-general Iryne Garcia na astig ang national marksmen at kayang magdedeliber sa halos 3-week quadrennial continental sportsfest na tatagal hanggang Oct. 8.
“This is the creme dela creme of PH shooting. Expect some nice performance from these two,’’ sey ni PNSA secretary general Iryne Garcia, kina Valdez at Rosario. (Ramil Cruz)