WebClick Tracer

SPORTS

Justin Brownlee, Nationals pinadapa ang South Korea

Naitawid ng Gilas Pilipinas ang 86-81 win kontra Changwon LG Sakers nitong Biyernes sa tinaong PhilSports Arena.

Kaisa-isang tuneup game ito ng Nationals bago ang Asian Games na bubuksan ngayon (Biyernes), araw na biyaheng Hangzhou na ang squad.

Solido ang laro nina Justin Brownlee, June Mar Fajardo at Calvin Oftana.

Tumapos si Brownlee ng 19 points, 5 rebounds, 3 assists, may 16 markers si Fajardo 13 points, 11 rebounds kay Oftana.

Pasado rin ang limang bagong dagdag sa 12-man roster na sina Marcio Lassiter, Chris Ross, Kevin Alas, CJ Perez at Arvin Tolentino.

Halos limang araw ginamay ng lima ang sistema ni coach Tim Cone panghalili kina injured RR Pogoy at ang apat na wala sa aprubadong listahang isinumite sa Hangzhou na sina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Jason Perkins at Mo Tautuaa.

Lumamang hanggang 45-32 ang Filipinos, naidikit ng Koreans 68-67 pagkatapos ng three pero nanatili sa unahan ang Nationals.

Namuno ang 18 points ni Dante Cunningham sa Sakers. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on