WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

P10M puslit na sigarilyo bistado

Aabot sa P10 milyon halaga ng puslit na sigarilyo ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon sa Datu Odin Sinsuat at Basilan, ayon sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) kahapon.

Ayon kay PRO-BAR Regional Director Police Brig. Gen. Allan Nobleza, unang nakumpiska ang nasa 30 master cases ng ibat-ibang brand ng sigarilyo na nagkakahalagang mahigit sa P600,000 nitong Miyerkules sa Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Sur.

Nakatanggap ng ulat ang Regional Intelligence Division – Special Operation Group ng PRO BAR hinggil sa inabandonang van na naglalaman ng mga sigarilyo na agad nilang pinuntahan at kinumpiska.

Samantala kamakalawa ay aabot naman sa 600 master cases o nasa mahigit P9 milyon ibat-ibang brand ng sigarilyo na pinaniniwalaang puslit ang nakumpiska ng pulisya at Bureau of Customs sa karagatan sakop ng Basilan.

Naaresto ang limang suspek na hindi napangalanan sakay ng bangkang de motor kung saan nakakarga ang mga sigarilyo.

Napag-alaman na mula sa Zamboanga ang mga sigarilyo patungo sana ng Basilan nang ito’y masabat. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on