WebClick Tracer

OPINION

Proteksiyon ni San Januario

Tuwing buwan Setyembre inaantabayan ng mga deboto sa buong mundo ang muling pananariwa ng namuong dugo ni San Januario na nakolekta sa dalawang botelya. Taun-taon sa kapistahan ng santo, himalang nalulusaw ang namuong dugo – hudyat ng patuloy na pagpapala o sumpa sakaling hindi ito maging likido katulad ng nasaksihan sa mga dumaang sakuna, peste at giyera sa kasaysayan.

Si San Januario ang obispo ng Naples sa Italya na naging martir sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo noong taong 305. Unang naitala ang ‘miraculous liquification’ o pagiging malagnaw ng relikya noong Ikalabingtatlong Siglo. Sa pagdiriwang ng PIsta ng banal na prelado noong Setyembre 19, muling namalas ng tanan ang milagro ng santo – isang daang porsiyentong naging likido ang namuong dugo!

Nasaksihan ng tanan ang himala sa pagdiriwang ng Pista ng Patron nang itaas ni Archbishop Domenico Battaglia sa simula ng Misa. Paliwanag ni Abbot Vicenzo de Gregorio ng Naples Cathedral, “We have just taken from the safe the reliquary with the blood of our saint, which immediately completely liquefied,” Nagpalakpakan ang lahat ng nakakita sa kamangha-manghang pagbabagong-anyo ng dugo.

Ipinaliwanag ni Archbishop Battaglia kung ano ang signipikasyon ng katakatakang penomeno- ito aniya ay testamento sa kabanalan ni San Janario na bukas-palad na nag-alay ng buhay para sa Ebanghelyo: “it’s a testimony that is present, living, current, and capable of speaking to the heart of every believer, pushing him to more consistency, beyond courage, to a life of giving, steeped in sharing.” Hamon aniya sa lahat ang kabigha-bighaning buhay at hemplo ng Patron ng Naples.

Paalala ni Battaglia ukol sa nasabing milagro: “the blood of St. Januarius is not an oracle to consult and even less a city horoscope whose function is to predict misfortune or fortune for the city. No, the relic we bless is simply a road sign, a finger that points us to the necessity, the urgency, the requirement to follow the Gospel in a radical way, being unreservedly attracted by its liberating beauty, listening with an open heart and mind to its word of life and hope.”

Giit ng Obispo, ang dugo ni San Januario ay babala sa maaring magyari araw-araw “whenever a person is wounded, humiliated, not respected in his dignity. I believe that the real miracle will take place the day this blood is forever hard, compact, clotted— when justice kisses peace, when good overpowers evil forever, when the good news of Jesus Christ dries up the pain of the world, illuminates the darkness for good, brings all things to completion, enters so deeply into the hearts of men and women that their words, their deeds, their thoughts will be nothing but goodness, benevolence, beauty.”

Napakalaki ng pamimintuho ng mga taga-Napoles kay San Januario at ipinalalagay na kung kaya sila’y hindi nasalanta ng Bulkang Vesuvius nang ito ay pumutok ay dahil sa pamamagitan ng kanilang pintakasi. Nawa ipag-adya rin tayo sa mga hinaharap na sakuna at kapahamakan ng lubos na pinagpipitaganang santo.

Sa paggunita ng Kapistahan ni San Jenario totoong magandang balita ang tinanggap ng buong mundo mula kay Arsobispo Domenic Battaglia na muling natunaw ang dugo ng santo! Nawa ito na ang hudyat ng total na katapusan ng tatlong pandemaya at kasalukuyang krisis sa kapayapaan.

San Januario, Ipanalangin Mo kami!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on