Bongga ang investment ni Donny Pangilinan sa produksyon ng kanilang pamilya na Mediaworks.
Isa siya siya producer at bida sa “GG (Good Game) The Movie.”
Proud nga ang mother niyang si Maricel Laxa dahil sa oras at resources na nilaan ni Donny sa nasabing proyekto.Ang anak naman niyang si Hanna ang creative producer ng pelikula.
“Donny believes in this movie so much that he is a major stakeholder and investor in this film. He has been part of it from beginning to end and he continues to be part of it, whether it is behind the scenes or with the cast or crew. I’m very proud to be part of this film because his whole heart and soul is in it,” bulalas ni Maricel.
Ipinagmamalaki rin ng pamilya Pangilinan na hindi lang gamers ang makaka-relate sa naturang pelikula.
Naniniwala ang erpat ni Donny at executive producer na si Anthony Pangilinan na deserving ang ‘Good Game’ na mapanood sa mga sinehan ng mga bagets at lahat ng Pinoy at siguradong maipagmamalaki nila ito.
Naging mabusisi sila sa paggawa ng esports movie na ito. Kumuha sila ng game consultant para turuan sila ng mga aspeto ng esports.
“We didn’t want to portray people from this community in the wrong way. Alam namin hindi ito biro,” deklara ni Donny.
Hirit pa ng aktor lalong tumaas ang respeto niya sa mga professional gamer, sa hard work nila at talent.
Naging challenge din kay Donny ang pagpapakulay ng buhok sa movie.Dalawang buwan daw ito.
Dusa rin sa kanya ‘yung kailangang ibalik sa itim na buhok dahil may commercial shoot siyang gagawin.Then, magbi-bleach ulit ng hair para sa “GG”. Tapos balik na naman sa itim pag may taping sa serye then magpapakulay ulit ng hair para sa pelikula.
Ang “GG” ay dinerek ni Prime Cruz. Kasama sa pelikula sina Baron Geisler, Iggy Boy Flores, Gold Aceron, Kaleb Ong,Boots Anson Roa at Ronaldo Valdez.
Talbog!
**
Macho Dancer bibida sa Marisol Academy
Aktibo na naman ang mga male entertainment bar pagkatapos ng pandemya. Ano kaya ang pinagdaanan nila at paano sila nakaraos pagkatapos itong magsara?Ano ang bagong pasabog nila ngayon? Paano sila nakabawi?
Tsitsikahin ng Marisol Academy sa Huwebes ang dalawang guwapong modelo /macho dancer at aalamin kung ano mga plano nila sa buhay. Papasok din ba sila sa showbiz ‘pag mabigyan ng pagkakataon? May naging guest na ba silang artista at inaliw?
Uuriratin din ang dating floor manager at ngayon ay operation manager na si Mommy Amor (09284835328). Ganoon din ang entertainment director/ choreographer na si Roberto Bautista aka Jordan para alamin ang kalagayan ng industriyang ito at preparasyon niya tuwing may big night. Sila ay produkto ng world class at numero unong gimikan sa ‘Pinas na White Bird Entertainment Bar.Matatagpuan ito sa Roxas Boulevard (malapit sa Baclaran Church). Sa ibang detalye tawagan sila sa 87086782.
Bongga ‘yan, ha!Aalamin din ang bago nilang gimik na Mr. Whitebird 2024.
Excited much sa kakaibang tsikahan!
Mapapanood ang ‘Marisol Academy,’ show ng TeleTabloid sa Abante News FB, TikTok, YouTube at Converge cable (3pm-4pm Monday to Friday) then replay 8:30pm-9:30pm.