Inilunsad na ng “Idol Philippines” season 1 alumnus na si Gello Marquez ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Star Music.
“Dati nangangarap lang ako na magkaroon ako ng sariling kanta, ngayon album pa yung ibinigay. Sobrang overwhelming para sa akin na nangyayari ang lahat ng ito,” bulalas ni Gello .
May pitong Tagalog songs sa kanyang album kasama ang “Hanap Kong Baby,” “Kumot At Unan,” “Duda-duda,” “Kaibigan,” “Teddy Bear,” “Torpe,” at ang unang single niya na “Penpen” na inilabas noong Agosto. Napili niya ang mga awitin dito base na rin sa pagkahilig niya sa mga lumang kanta.
“It’s a modernized version of old songs kasi sobrang love ko yung mga lumang kanta,” ani Gelo sa mga awitin sa kanyang album.
Sa kantang “Penpen,” ikinukumpara ng “He’s Into Her” at “Love Bites” actor ang pag-ibig sa larong Pinoy na “Penpen de Sarapen.” Isinulat ito nina Allan G. Alveyra Jr. at Karl James Fabregas.
Sa inilabas naman na “Penpen” music video, nakasama ni Gello ang BGYO member na si Akira Morishita at dating “Pinoy Big Brother Otso” housemate na si Ashley del Mundo sa isang love triangle story kung saan sinusubok niyang itago ang nararamdamang pag-ibig.
Inurirat din si Gello kung torpe ba siya base na rin sa titulo ng isa niyang kanta.
“ Kahit gaano pa tayo katapang at gaano pa kalakas ang loob natin , mahirap pagdating sa taong mahal at gusto natin,” pakli niya.
“Pag may gusto talaga ako natotorpe talaga ako kahit gaano kalakas ang loob ko,eh,” dugtong pa niya.
Tinanong din kung kanino siya na-starstruck na aktres nang makita niya ito?
“Si ate Kath Bernardo.Ang ganda pala niya,no?Ang sarap niyang titigan,” pakli ni Gello.
Anyway, mapapakinggan na ang debut album ni Gello sa iba’t ibang music streaming platforms.
(Roldan Castro)