Tablado na umano ng Golden State Warriors si Dwight Howard, batay sa source ni Shams Charania ng The Athletic.
Nakipag-meeting na raw si Howard sa Warriors, dalawang araw ding nag-workout kasama sina Draymond Green at Chris Paul.
Kaya lang, hindi na raw papipirmahin ang dating three-time Defensive Player of the Year bago magsimula ang 2023-24 season.
Sa October 3 ay umpisa na ng training camp, mas malamang daw na hindi kasama ang pangalan ni Howard sa final roster.
Sa camp ay mas malamang na extra wing ang hanapin ng Golden State. Katunayan, hindi na raw huhugot ng veteran center para sa training camp ang Warriors.
Mas makatotohanan daw na maghahanap at huhugot na lang ang Golden State ng big man sa kanilang camp o kapag nag-umpisa na ang regular season.
Si Howard? Maghahanap muli siya ng team na magkaka-interes sa kanyang kalibre.
Huling naglaro sa NBA si Howard noong 2020-21 season para sa Los Angeles Lakers bago dumayo sa Taiwan noong nakaraang season.
(Vladi Eduarte)