Trending ang #NagaapoyNaRevelations .Habang sinusulat ito ay may 58,552 concurrent viewers sa Kapamilya online, Facebook at Youtube dahil sa September 22 ba episode ng Nag-aapoy na Damdamin.
Pasabog ang DNA test at nadiskubre ni Ria Atayde (Melinda) na sina Olivia at Claire (Jane Oineza) ay iisa.
Guguho ang relasyon ng mag-asawang Buencamino dahil sa mangyayari na ang pinaka-kinakatakutan ni Melinda na buhay ang karibal niya .
“Ayun na nga, ito na nga yung pinaka-ayaw na mangyari ni Melinda so nandito na tayo. So ngayon, Melinda will try to do whatever she can para ma-preserve yung marriage nila ni Lucas,” kwento ni Ria.
Lalong nag-iinit ang panghapong teleserye at book 2 ng “Nag-Aapoy Na Damdamin” .Last week ay nagharap na sina Jane Oineza , JC De Vera (Philip), Ria Atayde., at Tony Labrusca (Lucas).
Unang nasilayan ni Lucas si Claire bilang asawa na ngayon ng mortal niyang kaaway na si Philip.
“Pa-intense pa nang pa-intense. Nandiyan na ‘yung sagad na gantihan,” pagbabahagi ni Jane.
Kwento rin ng Kapamilya actress, bagamat naging mabuti siyang asawa ni Philip, handa na siya ngayong gawin ang lahat para manumbalik ang kanyang alaala kahit pa itago niya ito sa asawa.
Aniya, “Lalabas na unti-unti yung alaala ko.”
Lumabas na rin ‘yung pagiging palaban ni Claire as a person.
Para kay Tony, panibagong paghihirap ang haharapin ng kanyang karakter bilang Lucas sa pagkikita nila ni Claire.
“Mawawala na naman si Lucas sa sarili niya kahit ayaw rin naman niyang sadyang saktan si Melinda,” saad ni Tony.
Sa bagong kabanata ng teleserye, maiipit naman si Philip sa dalawang mahalagang bagay sa buhay niya ayon kay JC.
“Sa lahat ng paghihiganting ginagawa ko ngayon, nakaramdam ako ng sobra-sobrang pagmamahal kay Claire na hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko, revenge pa rin sa mga Buencamino o ipagpatuloy ang pagmamahal kay Claire. Si Philip ngayon caught up in the middle siya,” paliwanag ni JC.
Tutukan ang matinding gantihan sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot na 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.
**
Serye ni Andrea libre sa buong mundo
Gawing masaya ang bawat Lunes sa panonood ng “Senior High,” tampok si Andrea Brillantes, dahil available na ito sa buong mundo nang libre at on-demand sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Puwede nang magbinge-watch ng pinakabagong episodes ng trending Kapamilya teleserye sa US, Canada, Europe, Middle East, at Australia kung saan week-long episodes ang ipapalabas kada Lunes na nagsinmula noong Setyembre 11.
Patuloy na umaani ng papuri ang “Senior High” para sa mahalagang mensahe ng kuwento tungkol sa mga isyung kinakaharap ng kabataan ngayon tulad ng bullying, mental health, peer pressure, substance abuse, at iba pa.