Determinado ang bagong koponan sa Premier Volleyball League (PVL) na Nxled Chameleons para magpakitang-gilas sa kanilang unang season.
Ito’y matapos nilang kunin si Taka Minowa, na dating assistant coach ng women’s volleyball national team ng Japan.
Nagsilbi rin bilang parte ng coaching staff si Minowa ng V.League team na Saitama Ageo Medics, kung saan niya nakilala si Jaja Santiago.
“With the Chameleons, Coach Taka looks to achieve the same success he had with his previous teams in the Japanese Division 1 League and Japan National Team,” pahayag ng koponan.
Si Minowa ay ang mister ni Santiago, na ngayon ay nananatiling player sa Japan.
Lipat sa JT Marvelous si Santiago matapos ang kanyang five season stint sa Ageo Medics.
(Mark Patriarca)