WebClick Tracer

SPORTS

Mocon inalaska AI sportscaster ng GMA

Malaman ang naging biro ni Phoenix Super LPG forward Javee Mocon sa bagong pakulo na AI sportscaster ng GMA para sa NCAA Season 99.

Nag-post sa Facebook ang naturang network kung saan ibinida nila ang dalawang sportscaster na gawa ng artificial intelligence.

Binigyan nila ito ng pangalang Maia at Marco, na nakasuot pa ng damit na may logo ng naturang network.

Ngunit ilang netizen ang nadismaya dito, dahil tila naaagawan na ng trabaho ang mga tunay na sportscaster at communications graduate.

Ito rin ang hirit ni Mocon, sinabi na mawawalan na raw sila ng hanapbuhay dahil sa mabilis na pag-usbong ng AI.

Sa kanyang post ay tinag pa niya ang dating teammate sa Rain or Shine na si Rey Nambatac.

“Wala na tayong trabaho pare,” hirit ni Mocon.

Samantala, wala pang reaksyon ang Kapuso network hinggil sa daing ng mga netizen.

(Mark Patriarca)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on