Nagpasyang iturn-over ng 62-anyos na lolo ang kaniyang alagang unggoy na si “Brad Pitt” sa mga awtoridad matapos siyang atakehin nito sa bayan ng Minglanilla, southern Cebu kamakailan.
Nabatid na nakawala sa kulungan si Brad Pitt, isang lalaking Philippine long-tailed macaque at kapangalan ng sikat na American actor, at kinagat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nag-aalaga sa kaniya na si Roberto Caday.
Dahil sa insidente, itinurn-over si Brad Pitt sa Wildlife Rescue Center ng Department of Natural Resources-Central Visayas (DENR-7) para sa safekeeping.
Sinabi ni Carlo Babiera, DENR-7 Wildlife and Rescue Center in-charge, na bawal panatilihin ang Philippine long-tailed macaque dahil ito ay itinuturing na wildlife species. (Dolly Cabreza)