Nag-trending sa Twitter ang pag-welcome kay Atasha Muhlach bilang bagong Dabarkads ng TV5’s ‘E.A.T’. Pero, hindi nagpahuli sa pwedeng malikhang ingay din ang katapat nitong noontime show, na ‘It’s Showtime.’
Hindi nagpahuli ang ‘ It’s Showtime’ na mukhang nang malaman na nasa bansa ang K-pop Idol at kilalang Pambansang Krung-Krung na si Sandara Park, nai-schedule na nila ito agad na maging special guest din kahopon.
Kasabay sa pag-welcome kay Atasha. Ang tanong na lang, sino kaya ang mas tinutukan ng mga manonood?
Wala pa rin kupas si Sandara. Na dahil aktibo sa kanyang mga social media accounts, nagawa niya na mag-tweet na nasa IS siya kaya marami rin sa mga followers niya ang tumutok. Nag-perform ito ng dalawang song, kabilang ang bago niyang single.
Sa tweet, sinabi niyang namiss nga raw niya dahil anim na taon na since her last guesting.
Love ng mga Pinoy si Sandara dahil talagang wala rin siyang sawang mahalin ang bansang Pilipinas.
Sabi nga niya sa guesting niya, “Mahal ko ang Pilipinas. At dito ako nanggaling, ‘di ba? At lalo na dito sa ABS-CBN.”
‘Yun nga lang, may kinuwestiyon si Sandara. Tanong niya, “Pero, nagtataka ‘ko. Bakit wala ang picture ko sa wall, sa labas?” Tawanan lahat at may nagsabing ilalagay na.
Night before ng guesting ni Sandara sa It’s Showtime, naging special guest siya sa concert ni GOT7 Bambam sa Araneta Coliseum. Dito namin nakita ang kakaibang disiplina ni Sandara.
Tinanong namin ang kanyang mga ‘noonas’ o ate na sina ate Elena at Anna kung magkikita pa sila, to think, maagang natapos ang concert, hindi na raw dahil kailangan ng magpahinga ni Sandara at maaga pa sa ‘It’s Showtime.’