WebClick Tracer

METRO

Ricardo Cepeda kalaboso sa estafa

Binitbit ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Warrant Section ang aktor na si Ricardo Cepeda kaugnay ng kasong syndicated estafa sa Caloocan City, ayon sa ulat kahapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid, dinakip si Cepeda, (Richard Go y Cepeda sa tunay na buhay), 58, at nakatira sa Pasig City.

Ayon kay QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit chief, P/Maj. Don Don Llapitan, ang pagdakip kay Cepeda ay bunsod ng kasong Syndicated Estafa ng Art. 315, (2) (a) ng RPC kaugnay ng Pres. Decree No. 1689 sa ilalim ng criminal case No. 4550-S(23).

Batay sa report, alas-11:00 ng umaga ay nakatanggap ng report ang pulisya na nasa No. 101 A Mabini St., Maypajo, Caloocan City ang aktor at may pinuntahang ‘gig’.

Bitbit ang warrant of arrest, nagtungo sa Caloocan ang mga tauhan ng QCPD Warrant section sa pangunguna ng hepe nitong si P/Capt. Joseph Valle, kasama si PMSg Norman Briones at anim pang mga pulis, at binasahan ng Miranda Rights si Cepeda saka dinakip.

Walang inirekomendang piyansa ang korte laban sa aktor. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on