WebClick Tracer

NEWS

MMDA pinayagan mga provincial bus sa dagsa ng biyahero

Papayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na bumiyahe sa kahabaan ng EDSA simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-singko ng hapon 5 pm mula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 6.

Nauna nang ipinagbawal ng MMDA na dumaan ang mga provincial bus sa EDSA noong 2019 at inutusan ang mga operator na mag-pick up at drop off ng mga pasahero sa terminal sa Valenzuela City at Sta. Rosa, Laguna.

“Pansamantalang pinayagan ng MMDA ang mga provincial buses na dumaan sa EDSA dahil sa inaasahang mataas na bilang ng mga pasaherong pupunta sa probinsya para makilahok sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections at paggunita ng Undas,” ayon sa pahayag ng ahensiya..

Ayon kay MMDA Acting Chairman Don Artes, ang mga provincial bus mula sa North Luzon ay maaaring umabot sa mga terminal sa Cubao, Quezon City. Ang mga bus galing South Luzon ay maaaring huminto sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

“Layunin nito ang maayos at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga provincial buses at para na rin maging komportable ang biyahe ng mga pasahero,” pahayag pa ng MMDA.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on