WebClick Tracer

NEWS

DILG kinasa 3 linggong transition ng mga barangay official

Tatlong linggo lamang ang ibinibigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa maayos na transition sa mga bagong halal na barangay officials.

Paalala ni DILG Secretary Benhur Abalos sa mga natalong kandidato na agad na isagawa ang pagsasalin ng responsibilidad sa mga nanalong kandidato.

Ayon kay Abalos, mas maaga ay mas magi¬ging madali at maayos ang pagpapatakbo sa barangay na agad namang makapagsisilbi sa kanilang mga nasasakupan.

Sinabi ni Abalos na dapat na iwasan ang anumang mga kuwestiyonableng isyu sa pagitan ng natalo at nanalong kandidato dahil ang kanilang mga botante at residente ang masasakripisyo.

Paliwanag ng kalihim, dapat ay naka-itemized ang bawat gamit ng barangay gayundin ang pondo na iiwan kung mayron man upang malinaw ang transition.

Tiniyak naman ni Abalos na ang transition sa mga barangay ay susuportahan ng mga tauhan ng DILG upang magkaroon ng transparency.

Dagdag ng DILG chief, sakaling may magpoprotesta, kailangan na munang sundin ng mga natalong incumbent ang transition dahil ang Commission on Elections naman ang mamamahala sa kanilang  reklamo. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on