WebClick Tracer

NEWS

‘Pinas sumirit mga remote worker

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang ‘fastest growing remote work hubs’ sa buong mundo.

Ito ang inianunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) kung saan pampito ang Pilipinas sa Nomad List, isang international remote work platform.

Kung pagbabasehan ang limang taong paglago ng Pilipinas simula noong 2018 hanggang 2022, naitala ang +78 percent na pag¬lago, habang ngayong 2023 ay naitala ang +60 percent na pag¬lago batay sa datos sa loob ng sampung buwan.

Sa Nomad List makikita ang mga pinakamahusay at pinakamagandang lugar sa mundo para manirahan, magtrabaho at bumiyahe bilang remote worker.

Kabilang sa mga bansang nasa top 10 ay ang mga sumusunod:

1.Tokyo, Japan; 2. Danang, Vietnam; 3. Seoul, South Korea; 4. Kuala Lumpur, Malaysia; 5. Penang, Malaysia; 6. Montevideo, Uruguay; 7. Manila, Philippines; 8. Hanoi, Vietnam; 9. Ho Chi Minh City, Vietnam; at 10. Ljubljana, Slovenia. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on