WebClick Tracer

METRO

Publiko inalarma ngayong Undas! Mag-ingat sa Basag-Kotse, Akyat Bahay

Pinayuhan ng PNP-South Police District ang publiko na magdoble-ingat ngayong Undas.

Ayon kay PMAJ Hazel Asilo, ang SPD chief public information officer, dapat na siguruhing ligtas ang kagamitan na maiiwan sa bahay kapag dadalaw sa sementeryo.

“Maiiwan po kadalasan na walang naiiwan doon sa bahay nila so kadalasan po is akyat-bahay, robbery incidents natin,” ayon kay Asilo sa panayam sa Teletabloid special coverage ng BSKE 2023.

“Pinapaalalahanan po natin ‘yung ating mga kababayan na maging pro-active sila,” aniya pa.

Dagdag pa ni Asilo, dapat din na maging maingat ang publiko sa mga basag-kotse na kalimitang target ay ang kagamitang naiwan sa mga sasakyan.

(RP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on