WebClick Tracer

NEWS

Halos P5 dagdag-presyo sa LPG nilarga

Papalo sa P5 ang dagdag-presyo sa cooking gas o liquefied petroleum gas (LPG) ang ipinatupad ng mga kompanya ng langis na epektibo ngayong unang araw ng Nobyembre.

Base sa abiso ng ilang kompanya, nasa 45 sentimo kada kilogram ang taas-presyo ng LPG dahil umano sa “international contract price” ng nasabing produkto ngayong buwan.

Nangangahulugan na mayroong dagdag-presyo na P4.95 para sa kada 11 kilong tangke ng LPG.

Ika-apat na buwan nang pagtaas ito sa presyo ng LPG.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on