WebClick Tracer

METRO

Dinedmang AFP opisyal, nanutok ng baril

Kalaboso ang isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nitong tutukan ng baril

ang isang bystander sa harap ng sementeryo sa Umingan, Pangasinan noong November 1.

Kinilala ng Umingan Police Station (UPS) ang suspek na si Major Leo Badua Luzano, 39, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa UPS, bago ang insidente, humingi umano ng assistance ang suspek sa isang bystander na nakilalang si Jerry Sagun Dalip, na nakasakay sa bisikleta, para makapasok siya (Luzano) sa loob ng sementeryo sa Barangay Poblacion East, Umingan.

Sinabi ng pulisya, hindi pinansin ni Dalip si Luzano dahil nasa impluwensya ito ng alak.

Sa puntong ito, biglang binunot ng suspek ang kanyang baril sa kanyang baywang at itinutok kay Dalip.

Dahil nagkagulo ang mga tao ay agad nagresponde ang pulisya at hinuli ang suspek na halos lango sa alak.

Nakuha mula kay Luzano ang kanyang service firearm, mga bala ng baril, apat na magazine.

Napag-alaman na ang suspek ay walang maipresentang dokumento sa kanyang baril at permit to carry mula sa Commission of Election kaya siya ikinulong.

(Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on