WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Cabinet secretary tinago pangalawang pamilya

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong Cabinet secretary na may itinatagong pangalawang pamilya sa lalawigan?

Ayon sa nakuhang impormasyon ni Mang Teban, matulis daw sa babae itong kalihim kahit hindi naman kaguwapuhan.

Marami na raw natikman na magagandang babae itong si Secretary pero ang pinakamalupet ay ang isang beauty queen sa kanilang siyudad.

Unang kita pa lamang ni Sec sa beauty queen, aba’y naduling este nabihag agad ang puson nito kaya pinabakuran sa mga tauhan.

Pumatol naman si beauty queen dahil tambak ang datung ni Secretary, plus may pakotse pa kaya naman agad na sumakay sa kanya itong opisyal.

Hindi nagtagal, lumobo ang tiyan ng beauty queen hanggang sa manganak ito. Pero dahil takot itong si Secretary na malaman ng publiko na nakabuntis siya, ibinahay na lamang niya ito sa probinsiya.

Nalaman din ng misis ni Secretary ang pagtataksil ng kanyang asawa pero pikit mata na lamang ito kaysa naman maghiwalay sila.

Clue: Ang matulis na Cabinet secretary ay balak umanong tumakbo sa mataas na posisyon sa 2025 elections at may letrang R sa kanyang pangalan as in Rayban.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on