Never daw pinag-awayan ng Hitmakers na sina Marco Sison, Hajji Alejandro, Rey Valera at Nonoy Zuniga ang billing nila sa kanilang mga concerts. Sa loob ng 20 years nilang pagsasama, hindi raw nila ito naging problema ever.
“Usually, ang inuuna talaga ay ‘yung mga may edad,” pagbibiro ni Nonoy sa pocket presscon ng “XXceptional: The 20th Anniversary” concert ng Hitmakers.
Kapansin-pansin kasi sa poster na una ang name ni Marco sa apat. Kasunod naman niya sj Hajji, pangatlo si Rey at sa huli naman si Nonoy.
Ayon naman kay Marco, kung mayroon man silang pinag-aawayan, ito ay mga maliliit na bagay lang tulad ng pagiging late or kung sino ang cause of delay.
Pagdating naman sa performance, wala ring patalbugan dahil mayroon naman daw silang solo segment sa kanilang concert.
“Mayroon naman kaming kanya-kanyang segment, kung baga, portion. So du’n na lang kami nagpapagalingan, kung baga,” sey ni Marco.
Ikinuwento naman ni Hajji ang history ng Hitmakers na noong una raw ay silang dalawa raw ni Rico J. Puno ang nagsimula as a back to back concert.
Hanggang sa naisip daw ng Viva na gawin silang tatlo at isinama si Rey. Naka-ilang concert din daw silang tatlo na puro sold out.
“Viva decided, dalhin kami sa Araneta for 2 nights, this time, kinarga na sa amin si Marco at si Nonoy. And that turned out to be. . . biruin mo, Araneta Coliseum, dalawang beses na napuno.“And ‘yun ang nagsilbing ano talaga, nag-start na Mula noon ay may concert tour every year ang Hitmakers at kung saan-saang bansa na sila nakarating. Matatandaang pumanaw si Rico J. noong 2018 at naging apat na lang sila. Sa kanilang 20th anniversary concert ay magkakaroon sila ng tribute for Rico na matagal din nilang nakasama.
“XXceptional: The 20th Anniversary” concert is happening this December 1, 2023 at the Theatre at Solaire. Makakasama nila bilang special guest si Pops Fernandez na isa rin sa producers ng concert.