Nagbiro si Sam verzosa na “dahil kay Rhian,” nang matanong ito na mula sa CNN, sa GMA-7 na mapapanood ang kanyang programa na “Dear SV.”
Pero nalaman lang din daw talaga ni Rhian sa kanya no’ng okay na. At ayon kay Sam, kahit naman daw noong season 1, supportive na si Rhian sa kanyang show/advocacy.
May time pa raw na wala sa plano, pero nakuhanan ito ng camera na kasama nilang nagbibigay ng tulong.
Mararamdaman na very personal kay Sam ang Dear SV at emosyonal ito habang nagkukuwento kung paano, more than entertainment ay advocacy talaga at inspired din ang mga ginagawa niyang pagtulong mula sa namayapang ama.
Sa November 18, tuwing 11:30 ng Sabado ng gabi na magsisimulang mapanood sa GMA.
Sa isang banda, nabalita dati na diumano’y break na sila ni Rhian, pero naipakita nila na mas nanaig ang love nila sa isa’t-isa.
Masasabi niya ba na pagkatapos ng kabanata na ‘yon, mas stronger pa sila ngayon?
“Actually, tama po kayo. Marami po kaming realization, mga natutunan and nag-grow kami as a person. Mas nakilala namin ang isa’t-isa. Mas natuto kaming mag-isa. Mas natuto naming i-solve yung mga problema. Noong bago pa lang, siyempre, growing pains ‘yan. Nasa process kami.
“But until now naman, nagbibigay tayo ng effort sa mga ginagawa natin sa buhay. Mapa-relationship man ‘yan, mapa-show man ‘yan. Mapa-business man ‘yan. Binibigyan talaga ng effort para mag-improve.
“Kaya ngayon, masasabi kong mas stronger ever.”
Itinanggi naman ni Sam na engage na silang dalawa. Nagtataka rin daw siya kung bakit may mga gano’ng balita na lumalabas.
(Rose Garcia)