Tama naman ang sinabi ni Claudine Barretto na ibang-iba talaga ang tema ng pagbabalik niya sa teleserye, ang ‘Lovers/Liars’ na collaboration ng Regal Films at GMA-7 .Mapapanood na ito sa November 20 sa GMA Telebabad.
Isa raw ito sa dahilan kung bakit napapayag siyang gumawa muli.
“Parang naisip ko, iba naman siya sa lahat ng teleseryeng nagawa ko. Ever since talaga, ang forte ko is teleserye. So I grew-up with Direk Wenn Deramas hanggang sa magkaasawa ako, magkaanak, maghiwalay. So ‘yung age ko at kung ano ang pinagdadaanan ng mga babaeng ka-age ko, ‘yun ang gusto kong gawin.
“And, ibang-iba siya kasi matapang and maraming sikreto na hindi mo makikita sa regular talaga na teleserye. So, ibang-iba siya sa mga ginawa ko.”
Talagang may love scene si Claudine with Yasser Marta at daring talaga ang role niya.
Pitong taon din daw nang huli siyang gumawa ng teleserye kaya masaya siya sa pagbabalik. This time rin daw, pumapayag na ang mga anak niya na magbalik talaga siya sa pag-arte.
Kung pitong taon na siyang hindi gumagawa ng teleserye, labing-isang taon naman na raw na wala siyang karelasyon, since naghiwalay sila ni Raymart Santiago.
Aminado si Claudine na nagka-trauma siya sa nangyari until now.
“Hindi naman sarado ang puso ko to love again, pero hindi ‘yon ang priority.”
Pero kung magmamahal daw siyang muli, kailangan daw na mas mahal ang mga anak niya kesa siya ang mas mahal.
“At the end of the day, sila pa rin ang number 1 at kung ma-in love man ako, siya lang ang number 2,” sey niya.
Hindi pa rin pala annulled ang kasal nila ni Raymart.
Aniya, “Ongoing ang annulment namin. Pero, delay nang delay ang deadline ni Raymart for support. So, he’s trying to get custody. 16 years old na si Santino and 19 years na si Sabina. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang kunin ang custody.”
Nang tanungin si Claudine kung sa palagay niya ba, wala ng chance na maging magkaibigan man lang sila, sinagot niya ito na, “Dati, oo… pero siguro, sa bagong relationship niya, hindi possible.
“Kasi, hindi maganda ang influence sa kanya, compared sa dati.”
Wala namang binanggit na pangalan si Claudine sa tinutukoy nitong bagong relationship ni t
(Rose Garcia)