Walang kadala dala.
Ito ang naging reaksyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorsita na patuloy na dumaraaan sa Edsa Bus Carousel matapos na matiketan ang nasa mahigit 50 sasakyan sa Pasay City kahapon ng umaga. Ito ay sa kabila ng paulit ulit na paalala, babala at mga ulat kaugnay sa hulihan sa pagdaan sa bus way.
Ayon sa mga traffic enforcers ng MMDA, kabilang sa kanilang natiketan ay dalawang shuttle bus, ilang provincial bus, ilang taxi driver at may tow truck pa na may hatak na sasakyan.
Mayroon ding tiniketan na nagpakilalang sundalo na nakamotorsiklo at natuklasang walang lisensya, dahil dito kinumpiska ang plaka ng kanyang motorsiklo.
(Betchai Julian)