ANIM na bayan sa lalawigan ng Cagayan ang nakapagtala ng African Swine Fever (ASF) ngayon buwan, ayon sa Cagayan Provincial Veterinary Office (CPVO) kahapon.
Sa pahayag ni CPVO veterinarian II officer Dr. Myka Ponce, ang mga bayan na mayroong kaso ng ASF ay Barangays Angaoang and Santo Tomas, Tuao; Bauan West, Solana; Plaza, Aparri; Iringan, Allacapan; Namuccayan, Santo Nino, kabilang ang Catugan at Malanao sa Lal-lo.
Ayon kay Ponce, nasa 16 na alagang baboy na may ASF ang puwersahang pinatay at ibinaon para hindi na ito makahawa pa sa iba pang baboy.
Sinabi ng CPVO, naglagay na ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa lalawigan upang bantayan ang pagpasok ng mga baboy sa nasabing probinsya.
(Allan Bergonia)