Sino raw itong kongresista na nagkalat ng mga anak sa labas kaya umabot umano sa tatlong pamilya ang kanyang binubuhay?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, halos sabay-sabay daw na tinuhog ni congressman ang tatlong babae at sa lakas ng semilya nito ay parehong nabuntis ang mga ito.
Matagal na panahon daw na sinikreto ni Congressman sa kanyang legal wife ang ikalawa at ikatlong pamilya.
Ang masaklap, ang panganay na anak pa ang nakadiskubre sa mga anak sa labas ng kanyang erpat.
Eh paanong hindi magagalit itong si panganay, halos kasing edad lamang niya ang panganay sa kabilang pamilya, aba’y ilang araw yata ang pagitan nilang dalawa.
Ang problema tuloy ni Congressman, paano siya magsi-celebrate ng birthday? Hindi naman puwedeng advance ang isa o post birthday celebration naman sa isa pang pamilya.
Hilig pa naman ni Cong sa mga five-star hotel magpa-party para maraming makadalong mambabatas.
Clue: Ang congressman na nagkalat ng anak sa labas ay walang distrito at may letrang A sa pangalan.